Anti-Money Laundering Council Secretariat

Browse over 434 requests from this government agency

Go Back
  • REQUEST SUBMITTED

    You have submitted an FOI request

    Date: 2023-09-12 15:48:25.466473

  • PROCESSING REQUEST

    Your request is already in review

    Date: 2023-10-02 14:54:47.339768

  • REQUEST SUCCESSFUL

    Your request was successful

    Date: 2023-10-02 15:01:50.860606

  • 4

    RATE YOUR REQUEST

    How was your request?

Financing Overchrge of interest

Requested from AMLCS by v. Ab at 03:48 PM on Sep 12, 2023.
Purpose: Ibaba ang napakalaking interest at wag mangharass
Date of Coverage: 01/26/2023 - 09/12/2023
Tracking no: #AMLCS-526098136438

Ab 03:48 PM, Sep 12, 2023

Para po sa kinauukulan:

Magandang Umaga po. Nais ko po humingi ng tulong o payo regarding po sa aking problema sa isang financing business. Ako po ay sumubok na humiram ng pera sa kanila para sa aking placement pagaabroad.Ang king pera na nahiram sa PESO ay aking bbyran ng NEW TAIWAN DOLLAR ibig po sabihin doble po. kunh nakahiram ako ng 90k ibabalik ko ang nhram ko sa halagang nsa 170 THOUSAND PESOS po . Nakaalis po ako at hindi po naging maayos ANG TRATO SA AKIN NG AKING EMPLOYer at alaga.  Humingi ako ng tulong sa Taiwan government at MECO at nirescue nla ako sa bahay ng aking amo.

Officer 02:54 PM, Oct 02, 2023

October 2, 2023

Dear Ms. Abrera,

Thank you for your request dated Sep 12, 2023 03:48:25 PM under Executive Order No. 2 (s. 2016) on Freedom of Information in the Executive Branch, for Financing Overchrge of interest.

We received your request on Sep 12, 2023 03:48:25 PM and will respond on or before Oct 03, 2023 03:48:25 PM, in accordance with the Executive Order's implementing rules and regulations.

Should you have any questions regarding your request, kindly contact me using the reply function on the eFOI portal at https://www.foi.gov.ph/requests/aglzfmVmb2ktcGhyHwsSB0NvbnRlbnQiEkFNTENTLTUyNjA5ODEzNjQzOAw, for request with ticket number #AMLCS-526098136438.

Thank you.

Respectfully,

FOI Receiving Officer

Maker 03:01 PM, Oct 02, 2023

October 2, 2023

Bb./Gng. Abrera,

Ito ay ukol sa inyong mga pinadalang e-mails na may kaugnayan sa pautang ng isang financing business. Base sa inyong mga e-mails, kayo ay umutang sa isang financing business na interes para gamitin na placement fee para makapagtrabaho sa Taiwan. Sa kasamaang palad, hindi naging maganda ang inyong karanasan sa trabaho sa Taiwan at kayo ay sinagip ng ating gobyerno. Dahil dito, mukhang hindi niyo kayang makapagbayad agad sa financing business na inyong inutangan. Kayo ngayon ay nakikiusap na ibaba ang napakalaking interest at wag mang-harass ang nasabing financing business.

Nais naming ipagbigay-alam na sa ilalim ng Anti-Money Laundering Act of 2001, as amended, ang Anti-Money Laundering Council (AMLC) ang nakatalagang ahensya ng gobyerno na namuno sa "anti-money laundering" at "counter-terrorism financing". Ang pangunahing tungkulin nito ay maging "financial intelligence unit," at magsagawa ng imbestigasyon ukol sa mga aktibidad na may kaugnayan sa "money laundering/terrorism financing." Ang AMLC ay walang mandato na tumugon sa mga ulat na may kaugnayan sa operasyon at pautang ng mga financing business. 

Ayon sa Lending Company Regulation Act, ang Securities and Exchange Commission (SEC) Financing and Lending Companies Division (8818-5590 o imessagemo@sec.gov.ph) at Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) (consumeraffairs@bsp.gov.ph) ang may awtoridad sa mga financing busineses.

Maaari niyo ring idulog sa National Privacy Commission (NPC) (complaints@privacy.gov.ph) ang inyong sitwasyon kung ang pangha-harass sa inyo ay magreresulta sa di awtorisadong pagsisiwalat ng inyong mga personal na impormasyon sa publiko.

Umaasa kaming nagabayan namin kayo nang naaayon sa inyong pangangailangan. 


FOI Decision Maker

Is this request offensive?

Requests for personal information and vexatious requests are not considered valid requests for Official Information.

If you believe this request is not suitable, you can report it for attention by the site administrators.